Iniimbestigahan ng mga otoridad ang dalawang persons of interest sa nangyaring pambobomba sa isang misa sa Mindanao State University sa Marawi City.
Isinasailalim naman sa imbestigasyon kung totoo ang pag-ako ng international terrorist group sa ISIS sa pambobombang ikinasawi ng apat na ka-tao.
Sinabi ng AFP, posibleng resbak ito ng iba’t ibang armadong grupo.
Nauna ng sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na posible namang mga banyagang terorista ang may gawa ng pambobomba.
Sinabi naman ng mga ilang dumalo sa misa may kumalat umanong text message na nagbabala tungkol sa bomba.
Maraming tinitingnang anggulo sa nangyaring insidente ngunit sa tinggin ng mga militar resbak ito dahil sa sunod-sunod na pagpatay sa matataas na miyembro ng mga armadong grupo.
