PCG, tiniyak na mayroong mga nakalatag na plano para tugunan ang ‘anti-trespassing’ policy ng China sa WPS

Siniguro ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang kahandaan sakali mang ituloy ngayong araw ng China Coast Guard ang panghuhuli nito sa mga mangingisdang Pilipino.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela, sinabi nitong nakalatag na ang contingency plan nila, katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

Naka-deploy na rin umano ang kanilang mga barko para alalayan ang mga Pilipinong mangingisda.

Sa ngayon, wala raw silang nakikitang pagdami ng bilang ng mga Chinese vessel sa ating karagatan.

Sa katunayan, mas mababa pa raw ang bilang na ito, kumpara sa mga nagdaang period.

Dahil dito, ‘di pa nila masasabi kung ie-enforce ng China Coast Guard ang kanilang banta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *