Ginang, patay matapos hampasin ng pala sa ulo ng sariling anak sa Sariaya, Quezon

Patay ang isang ginang matapos umano itong hampasin ng pala sa ulo ng kanyang sariling anak sa bayan ng Sariaya, Quezon nitong Biyernes, Hunyo 14.

Sa isinagawang imbestigasyon ng awtoridad, natutulog umano noon ang 49-anyos na ginang bandang alas-10:15 ng gabi nang hampasin ito sa ulo ng kanyang 27-anyos na anak na may problema umano sa pag-iisip.

Samantala, isinugod sa hospital ang biktima subalit idineklara rin itong dead on arrival.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek habang inihahanda na ang reklamong Parricide laban sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *