Mga mangingisda sa bahagi ng Masinloc – tuloy pa rin sa pangingisda ngayong araw sa gitna ng bantang panghuhuli ng China

Hindi nagpatinag ang ilang mga mangingisda sa gagawing panghuhuli ng China sa mga non-Chinese fishermen sa West Philippine Sea (WPS).

Ngayong araw na kasi epektibo ang pagdampot nila sa mga umano’y ‘trespassers’ sa sarili nating teritoryo.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila sa isa sa mga mangingisda sa Masinloc na si Joey Marabe, sinabi nitong tuloy pa rin ang pangingisda nila ngayong araw.

Bagamat aminado silang mayroon pa ring kaba sa kaniyang mga kasamahan, hindi raw nito mapipigilan ang kanilang hanap-buhay.

Sa ngayon, nakalatag na raw ang kanilang plano para maiwasan ang panghuhuli sa kanila ng China.

Ngayong tila’y makikipagpatintero pa sila sa mga barko ng China – tiniyak ni Marabe na mayroon silang sapat na koordinasyon sa Philippine Coast Guard, at sa Navy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *