PCG – tiniyak ang kaligtasan ng mga lalahok sa civilian-led resupply mission bukas

Siniguro ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kaligtasan ng Atin Ito! Coalition at ang daan-daang mga volunteers na makikilahok sa civlian-led resupply mission simula bukas sa Bajo de Masinloc.

Sa pulong balitaan, sinabi ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commo Jay Tarriela na sisiguraduhin nilang ligtas ang mga ito mula sa mga pangha-harass ng China.

Aniya, magiging ‘proactive’ sila para maiwasan ang mga harassment, at kung mayroon ‘man ay walang mai-injure mula sa mga sibilyan.

Kung maaalala, una nang sinabi ni Atin Ito! Coalition Co-Convenor and Akbayan Party president Rafaela David na tuluy na tuloy ang kanilang misyon bukas.

Ito’y sa kabila ng pagdami ng presensya ng mga Chinese vessels sa Bajo de Masinloc.

NSC – nanawagan sa China na i-respeto ang civilian-led resupply mission sa WPS

Hindi na dapat pang pakialaman ng China ang mga sibilyan na magsasagawa ng misyon sa West Philippine Sea.

Ito ang naging pakisap ng National Security Council (NSC) sa People’s Republic of China – kasabay ng nakatakdang pagu-umpisa ng misyon ng Atin Ito! Coalition, at ng ilang civilian volunteers bukas.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon program, sinabi ni NSC Assistant Director General Jonathan Malaya na sana’y igalang ng China ang civilian mission dahil hindi naman konektado ang mga ito sa gobyerno.

Sa katunayan – China pa nga raw ang mapasasama sakaling mayroong insidente sa misyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *