Pandang Aso

KINAGILIWAN ng mga netizen ang larawan ng mga panda sa isang zoo. Dahil sa kulay at hugis na sa unang tingin ay mapagkakamalan mong mga Panda?

Tama, sa kulay pa lamang ng balahibo sa kamay at paa talagang masasabi mo na sila’y mga Panda. Pero ang totoo, sila lang naman ay mga aso?

Dahil sa isang pambihirang desisyon ng ilang mga zookeeper na gupitan ang mga Cho chow at kulayan ng itim para magmukhang mga Panda, agad pumatok sa mga netizen.

Wala raw kasing Panda sa kanilang zoo kaya ang naging desiyon ay lumikha ng mga pekeng panda.

Nanindigan naman ang zookeeper sa Taizhou Zoo sa Jiangsu Province kung saan matatagpuan ang mga asong panda na safe at hindi makakasama ang pagkulay sa mga aso. ###KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *