PCG – target matapos sa loob ng 1 linggo ang pagsipsip sa oil spill ng lumubog na tanker

Nagpapatuloy ang ginagawang paglalatag ng Philippine Coast Guard (PCG) ng oil dispersants at pagkolekta ng emulsified oil sa katubigang apektado ng oil spill ng lumubog na MT Terra Nova sa katubigan ng Limay, Bataan.

Kaninang hapon, nakipagpulong ang PCG officials sang kumpanyang nag-o-operate ng oil tanker, at isa sa natalakay rito ang ang implemantation plan at timeline ng siphoning operation.

Read More:  PCG drives away Chinese maritime militia vessel and 24 fishing boats near Kota Island

Ayon kay PCG spokesman Rear Admiral Armando Balilo, batay sa pag-aaral ng Marine Environment Protection (MEP) personnel, kayang matapos ang pagsipsip sa langis sa loob ng pitong araw.

Read More:  Palace says Baste Duterte’s ‘I don’t know’ defense could set dangerous example

Aniya, walang dapat ipag-alala, pero hindi rin dapat maging kampante.

Nakahanda pa rin aniya sila sa worst-case scenario para tugunan ang posibleng negatibong epekto ng oil spill sa kalikasan.