PCG pinag iingat ang mga mangingisda at nakatira sa tabing dagat  dahil sa banta bagyong Odette

CAMARINES NORTE- Pinag iingat ng Philippine Coast Guard ang mga mangingisda at nakatira malapit sa baybaying dagat sa posibleng epekto ng Severe Tropical Storm Odette na pumasok sa Philippine Area of Responsibility kagabi.

Ayon kay Chief Petty Officer Mario Allan Rosales, Sub station Commander ng Coast Guard Mercedes, importanteng maging mapagmatyag sa lagay ng panahon lalo’t asahan na umano ang malakas na alon sa mga karagatang sakop ng lalawigan.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Muling pinaalalahanan ni Rosales ang mga mangingisda lalo na ang mga maliliit na bangka na huwag na munang pumalaot habang pinaghahanda naman ang mga nakatira sa baybaying dagat sa posibleng paglikas upang maiwasan ang disgrasya.

Nakahanda rin umano ang Coast Guard na tumulong sa mga Local Government Unit na posibleng magpatupad ng pre -emptive evacuation.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Mayroon umano silang ide- deploy na response group na pwedeng tumulong sa mga LGU kung kinakailangan.

Batay naman sa Sea Travel advisory ng PCG asahan pa rin ang maalon hanggang sa napakaalong sitwasyon ng karagtang sakop ng lalawigan dahil sa Northeast Monsoon.

May nakabandera pa ring gale warning ang Pagasa sa mga karagatang sakop ng lalawigan.