CAMARINES NORTE- Umaabot na sa tinayatang 323, 000 ang mga nabakunahan sa lalawigan ng Camarines Norte sa target na 440, 000 para maabot ang herd immunity.
Ito ang inihayag ni acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco sa panayam ng media nitong Martes sa isinagawang turn over ng mga Personal Protective Equipment (PPE) sa Camarines Norte Provincial Hospital mula sa tanggapan ni First District Rep. Josefina Tallado.
Kasabay nito ay nanawagan si Francisco sa mga hindi pa rin nagpapabakuna na magpabakuna na lalo’t may mga dumarating pang suplay ng bakuna.
Samantala, ipinagpaliban naman ang second leg ng three-day national vaccination days na magsisimula sana ngayong araw December 15- 17 sa mga lugar na nahaharap sa banta ng bagyong Odette kasama ang Bicol region.
Ang vaccination days na tinawag na “Bayanihan, Bakunahan,” ay gagawin na sa December 20 to 22.
Sa text message naman sa Brigada News FM Daet ni DOH Provincial Officer Dr. Jocelyn Iraola inihayag nito na desisido silang maabot ang herd immunity bago matapos itong taon.
