Kinondena ng Estados Unidos ang tinatawag nitong agresibo at mapanganib na maniobra ng China sa Ayungin Shoal, na nagdulot ng pagkapinsala sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas at injuries sa isang sundalo.
Ang pahayag ay nagmula matapos akusahan ng Pilipinas at China ang isa’t isa na nagsasagawa ng mga mapanganib na maniobra sa gitna ng misyon ng resupply ng Pilipinas sa lugar sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) nito.
Ayon kay US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson, naninindiigan ang kanyang bansa sa mga kaalyado sa pagsuporta sa isang malaya at ligtas na Indo Pacific region.
Sinabi naman ng maritime security expert na si Ray Powell na tatlong barko ng Chinese Coast Guard (CCG) at 12 maritime militia vessel ang naka-deploy sa lugar.
Dagdag pa ni Powell na tila gumamit ng ibang diskarte ang Pilipinas para sa resupply mission dahil hindi aniya direktang nag-escort ang Philippine Coast Guard sa resupply vessel.