PCG, nakapagtala ng paggalaw sa ‘monster ship’ ng China

Nakapagtala ang Philippine Coast Guard ng paggalaw sa binabantayan nitong monster ship ng China.

Ayon kay Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG para sa West Philippine Sea, nasubaybayan ng Pilipinas ang mga galaw ng 165-meter na barko ng Chinese Coast Guard na CCG-5901, gamit ang teknolohiya ng Dark Vessel Detection ng Canada.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Dalawang magkakasunod na araw nang naka-angkla ang nasabing barko sa Escodo Shoal, na nananatiling malapit sa BRP Teresa Magbanua.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Bumalik ang nasabing barko nitong Miyerkules, sa gitna ng napagpulungan ng dalawang bansa sa Bilateral Consultation Mechanism on the South China Sea.