Mga akusasyon ni dating Sen. Trillanes laban kina ex-PRRD at Senator Go, mariing itinanggi ng senador

Mariing itinaggi ni Senador Christopher “Bong” Go ang mga paratang laban sa kanya at kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Bilang tugon sa verified complaint, tinanggap ni Go ang imbestigasyon, na sinasabing ito ay isang pagkakataon upang matuldukan ang paulit-ulit na isyu.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Iginiit ni Go na ang Commission on Audit (COA) ang may responsibilidad sa pagtuklas ng anumang iregularidad at pagsasampa ng kinakailangang kaso kung kinakailangan.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Dagdag pa nito, lumang tugtugin na aniya ito dahil taong 2018 pa nang ibato sa kanila ang akusasyon, na lumalabas aniya tuwing nalalapit ang halalan.