Himas-rehas ang dalawang lalaki matapos makumpiskahan ang mga ito ng mahigit ₱500,000 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay San Francisco, Tagkawayan, Quezon nitong Huwebes, Hulyo 4.
Batay sa report, nadakip ang mga suspek na alyas “Joven”, 22-anyos at alyas “Ryan”, 39-anyos, matapos makabili ng hinihinalang shabu ang isang poseur buyer.
Mahigit 25 gramo ng hinihinalang shabu ang nasamsam mula sa mga suspek at ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.
Samantala, nasa kustodiya na ng awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.