PCG naka heightened alert kaugnay sa Halalan 2022

CAMARINES NORTE- Naka-heightened alert status ang Philippine Coast Guard simula pa noong Miyerkules, Mayo 4, kaugnay sa Halalan 2022.

Ayon kay LTJG Ronnie Rey Pabico, Acting Station Commander ng Coast Guard Camarines Norte, naka- deploy ang kanilang mga tauhan sa iba’t- ibang lugar sa lalawigan at nagsasagawa ng seaborne patrol sa coastal areas.

Sa katunayan bago pa man ang mismong araw ng Halalan ay nagasimula na ng election duty ang PCG.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Naging katuwang ang PCG sa paghahatid ng mga Vote Counting Machine sa iba’t- ibang islang barangay.

Katulad na lamang sa tatlong islang Barangay ng Apuao, Caringo at Quinapagian sa bayan ng Mercedes kung saan isang araw bago ang aktuwal na Final Testing And Sealing ng mga VCM ay naihatid na ito.

Nag- assist din ang PCG sa paghahatid ng mga VCM sa islang barangay ng Jose Panganiban, Paracale at Vinzons.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ayon kay Pabico, mananatili silang naka- heightened alert  hanggang hindi natatapos ang pag transmit ng mga boto.

Mag- aasist muli ang PCG sa pagbabalik ng mga VCM sa opisina ng Comelec gamit ang kanilang mga asset.

Sa mga lugar na hindi operational ang aluminum boat ay nagrerenta umano sila ng bangka.