Philsys Registration Centers ng PSA sa lahat ng munisipyo sarado sa Lunes

CAMARINES NORTE- Sarado ang  Philippine Identification System o PhilSys Registration Centers sa lahat ng munisipyo sa Lunes, Mayo 9.

Batay ito sa abiso ng Philippines Statistics Authority (PSA)- Camarines Norte Provincial Office upang bigyang daan ang Halalan 2022.

Maliban sa PSA Provincial Office sa Daet, hindi rin magsasagawa ng registration sa naturang araw sa mga bayan ng Capalonga, Jose Panganiban, Labo, Paracale, Sta Elena at SM City Daet kung saan mayroon ding registration kit.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Mababatid na mula June 2021 ay umabot na sa halos kalahating milyong indibidwal  ang nakapagparehistro na sa PhilSys sa Camarines Norte.

Hindi naman bababa sa 35, 000 CamNorteños ang nakatanggap na ng kanilang national o PhilSys ID.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ayon kay Chief Statistical Specialist Maria Dulce Padayao, magre- resume ang PhilSys registration sa Mayo 10.

Ideneklara din ni Pangulong Rodrigo Duterte na special non- working holiday ang Mayo 9.

Ito ay upang bigyan ng pagkakataon ang mga tao na gawin ang kanilang karapatang bomoto.