Plano ng Philippine Coast Guard na magpatupad ng heightened alert mula December 16 hanggang January 5 bilang suporta sa Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2021 ng Department of Transportation.
Sinabi ni PCG Commandant CG Admiral Leopoldo Laroya na inutos niya sa district, station, at sub-station commanders, na tiyakin ang kaligtasan sa lahat ng pantalan kung saan ay inaasahan ang pagdagsa ng mga pasahero para sa holiday season.
Ipinunto ni Laroya na ide-deploy ng PCG ang mga floating assets nito sa mga lugar na inaasahan ang pagdagsa ng inbound at outbound passengers.
Inihayag rin niya na magsasagawa ang capital ships at air assets ng PCG ng seaborne patrols at maritime surveillances sa mga major sea lanes at beach resorts.
