Indonesia, sisimulan na ang COVID-19 vaccination ng mga bata na edad 6-11

Sisimulan na ng Indonesia ang pag-administer ng COVID-19 vaccinations para sa mga bata na edad 6-11 ngayong araw.

Ang nasabing Southeast Asian country na ang kaun-unahan sa rehiyon na magsasagawa ng vaccination drive para sa mga kabataan na kabilang sa nasabing age group.

Read More:  One dead, 11 injured in fresh attack on Riyadh airport

Sinabi ng health ministry ng Indonesia na inaprubahan nito ang Sinovac vaccine para sa 6-11 taong gulang noong nakaraang buwan.

Read More:  At least 5 missing as flash floods strike northern Nepal anew

Mababatid na tinatayang nasa 26.5-million na bata ang target ng Indonesia na mabakunahan.