CAMARINES NORTE- Nag abiso ang Philippine Coast Guard lalo na sa mga maliliit na sasakyang pandagat na huwag na munang pumalaot dahil sa nakabanderang gale warning ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o Pagasa.
Batay sa latest Sea Travel advisory ng Camarines Norte Coast Guard Station asahan ang strong to gale force winds dahil sa Northeast Monsoon.
Magiging maalon hanggang sa napakaalon ang kondisyon ng karagatan na may tinatayang taas ng alon na mula 3. 7 hanggang 5.5 metro,
Inaalerto naman ang mga malalaking bangka sa malalaking alon.
Sa ilalim ng isang Memorandum Circular hinggil sa movement ng mga bangka, ipinagbabawal ang paglalayag ng mga sasakyang pandagat na 250 G.T. pababa kapag ganito ang kundisyon ng karagatan upang makaiwas sa disgrasya.
Mababatid na bago magpasko ay mahigit dalawang linggong nakabandrea ang gale warning sa karagatang sakop ng Camarines Norte.
Ang epekto, nagmahal ang presyo ng isda bukod pa sa dahil ngayon ay Christmas season.
