Mangingisda sa Baras, Catanduanes pinaghahahanap matapos hindi bumalik galing sa laot bago ang pagdiriwang ng Pasko

BICOL- Isang mangingisda na naman ang patuloy pa na pinaghahanap ngayon ng mga operatiba matapos nitong hindi bumalik galing sa laot.

Ayon sa MDRRMO Baras, umalis ng kanilang bahay sa Barangay Danao ng nasabing bayan si Louie Ogalinola, 37 taong gulang alas 3 ng madaling araw, noong Disyembre 23 subalit hindi ito umuwi ng hapon.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Batay sa source, lulan ang mangingisda ng kulay berdeng motorboat, kung saan hindi alam ng mag- anak ang possibleng rota na pinupuntahan ng nito sa pangingisda.

Read More:  UP-Cebu alumnus who campaigned for free education killed in Negros encounter

Patuloy naman ang ginagawang search operations ng MDRRMO at PCG Baras, ano mang impormasyon hinggil rito ay maari umanong ipagbigay alam sa kinauukulan.