Bicam, naglaan ng karagdagang P10-B para sa mga nasirang paaralan, tulay dahil sa kalamidad

Naglaan ang Bicameral Conference Committee ng karagdagang P10 billion para sa repair ng mga paaralan at tulay na nasira dahil sa mga kalamidad.

Ayon kay House appropriations panel chairman at Ako Bicol Representative Zaldy Co, na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang hahawak sa mga repairs.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Maliban sa imprastuktura, tinaasan din ang budget para sa mga state universities at colleges at sa hudikatura.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Mababatid na aprubado na ng bicameral panel ang consolidated version ng panukalang P5.268-trillion 2023 budget at ngayon ay sasalang na sa plenary debates sa parehong Senado at House of Representatives. //MHEL PACIA