NAGA CITY- Naka Heightened Alert na ang Philippine Coast Guard Camarines Sur ngayong Holiday Season, ito ay kahit pa sa Dec. 15 pa ito opisyal na magsisimula sa bansa at magtatapos sa Enero 7, 2023.
Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni PCG Commander Brummel Magalong. Aniya naka deploy na ang mga personahe at mas maghihigpit pa simula ngayong linggo na inaashan ang pagdagsa ng mga uuwi o gagamit ng mga pantalan. Ito aniya ang parte ng Oplan Biyaheng Ayos para sa Pasko 2022.
Binigyang diin pa ni Magalong na walang holiday ang PCG kaya todo ang puwersa sa mga pantalan sa lalawigan partikular na sa Pasacao at Tambang Port. Sinisiguro na pa ng PCG Commander na maayos ang kanilang mga linya ng cellphone at social media upang mabilis na makakapagresponde. Inihanda na rin ang mga floating assets.