CAMARINES NORTE- Pinayuhan ng Commission on Elections ang mga magpaparehistro simula ngayong araw na magsupt pa rin ng face mask kahit hindi na ito mandatory.
Ayon kay Election Officer III Annelyn Abanes ng Comelec Speaker’s Bureau, mas mainam pa rin na magsuot ng face mask lalo na kapag may ubo at sipon na nauuso sa ganitong panahon.
Aniya mayroon pa ring alcohol sa kanilang opisina para sa mga magpaparehistro.
Ang mga taga Comelec naman na mamamahala sa voters registration ay magsusuot pa rin ng face mask para sa kanilang proteksyon.
Simula ngayong December 12, 2022 hanggang January 31, 2023 ay muling magsasagawa ng voters registration ang Comelec.
Ang mga magpaparehistro sa Barangay Election ay dapat Filipino citizen, 18 anyos sa bago o sa mismong araw ng eleksyon.
Para naman sa Sangguniang kabataan ay dapat 15 anyos pataas at hindi lalagpas ng 30 anyos.
Ang mga tatanggaping application sa panahon ng voters registration ay Registration, transfer, change/corrections of entries, reactivation, inclusion at reinstatement of name in the list of voters, and transfer of registration records from post to local.
Gayundin ang updating of records of Persons with Disabilities, Senior Citizens and members of Indigenous Peoples and other members of vulnerable sectors.
Bukas ang tanggapan ng Comelec mula Lunes hanggang Sabado, alas alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon gayundin kapag araw ng holiday maliban sa December 24 at 31.
Pinapayuhan ang mga magpaparehistro na magdala ng valid ID o anumang kaukukang patunay ng pagkakakilanlan
