Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Jose Panganiban Camarines Norte nadakip sa General Trias, Cavite 

CAMARINES NORTE- Isang 50 anyos na lalaki na kabilang sa Municipal most wanted person sa bayan ng Jose Panganiban Camarines Norte ang nadakip ng mga kapulisan sa ikinasang manhunt Charlie operation sa Phase 2 Blk 55, Lot 10, Brgy. Santiago , General Trias, Cavite.

Ang akusado ay kinilalang si alias ITOY, 50 anyos, at residente ng Purok 1, Brgy. Parang, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Si ITOY ay hinainan ng warrant of arrest para sa kasong Rape na ipinalabas ni Hon. Tingaraan U Guiling, Presiding Judge ng RTC Branch 109, Pasay City na may petsang June 7, 2011.

Ang nasabing kaso ay walang kaakibat na piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado na kabilang sa Municipal Most Wanted Person para sa buwan ng Disyembre, taong kasalukuyan sa nabanggit na bayan         

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Ang nasabing personahe ay nasa pangangalaga na ng Jose Panganiban MPS para sa kaukulang disposisyon.