AFP, tiniyak na ‘di mapipigil ng mas agresibong aksyon ng China ang kanilang resupply missions

Hindi raw mapipigilan ng mga aksyon ng China ang Pilipinas sa pagsasagawa ng mga misyon nito sa West Philippine Sea.

Ito ang naging paninindigan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Romeo Brawner Jr. kasunod ng mapanganib na pag-atake ng China sa mga sundalong Pilipino noong Lunes habang nagsasagawa ang mga ito ng resupply mission sa BRP Sierra Madre.

Read More:  ‘Sigabo’ production attends MTRCB compliance seminar

Ayon kay Gen. Brawner, obligasyon at karapatan ng bansa ang RoRe missions sa WPS.

Read More:  Philippines, Canada aim to conclude free trade agreement this year

Giit pa niya, hindi sila aalis sa Ayungin Shoal.

Samantala, muli namang kinilala ni Brawner ang katapangan at dedikasyon ng mga sundalong nakasama sa resupply mission na hindi nagpatinag sa ginawang pangha-harass ng China.