Handang bayaran ng ilang mga residente mula sa bayan ng Nasugbu ang halaga ng lupa na kinatitirikan ng kanilang bahay.
Ito ay sa gitna ng pinag-aagawang lupain na pagmamay-ari umano ng Roxas and Company Inc.
Sa panayam ng Brigada Batangas kay Angelito Esterol mula sa Barangay Bilaran, kung sakaling magkaroon ng usapin tungkol sa pagbabayad ng lupa na kinatitirikan ng kanilang mga bahay o maging ng kanilang sakahan ay handa silang magbayad pero sa tamang halaga lamang.
Hindi raw kasi nila kakayanin na basta-basta na lang kukunin sa kanila ang mga lupa na pag-aari nila ngayon dahil sa naging pamana pa iyon ng kani-kanilang mga ninuno.
Kagaya rin sa Brgy Reparo, may ilang residente rin ang nagsasabing ipaglalaban nila ang mga lupaing ito.
Nabatid na gagawing umanong subdivision ang naturang lupain kung kaya’t binabawi ng Roxas. Sa ngayon ay hindi pa rin malinaw kung ano ang kakahantungan ng pinag-aagawang lupa.