Umapela si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa mga world leaders na magkaisa upang isantabi ang paggamit o pagtago ng mga nuclear weapons.
Sa kanyang talumpati sa 77th session ng United Nations General Assembly sa New York binigyan-diin ni Marcos na nanatiling banta ang Nuclear weapons sa kabila ng pagsisikap na magkaroon patakaran na nagbabawal dito.
Inihayag ni Marcos ang pangangailangan na muling pagtibayin ang prinsipyo ng mga nagtatag ng United Nations.
Kabilang na dito ang pagsasantabi sa mga pagkakaiba, pagwawakas ng digmaan, pagtataguyod ng katarungan, paggalang sa karapatang pantao, at pagpapanatili ng pandaigdigang kapayapaan at seguridad.
Kasabay nito, sinabi ng Pangulo na dapat ding tugunan ang salot ng pagdami nang iba pang armas, ito man ay small arms, light weapons, o improvised explosive devices.
“Nuclear weapons continue to pose an existential threat despite our efforts to build norms that resoundingly prohibit them. We must reject the notion of deterrence and remain committed to decreasing the global stockpile of these weapons. At the same time, we must also address the scourge of the proliferation of all weapons, be they small arms, light weapons, or improvised explosive devices.”
