Presyo ng diesel sa Camarines Norte natapyasan ng mahigit P4 kada litro, habang wala namang paggalaw sa gasolina.

CAMARINES NORTE- Natapyasan ng mahigit P4 ang presyo ng kada litro ng diesel habang wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina sa ilang gasolinahan sa Camarines Norte kasunod nang ipinatupad na oil price adjustment nitong Martes, September 20.

Sa Shell Mancruz nasa P77. 00 ang kada litro ng fuel save diesel mula sa  P81. 15 noong nakaraang linggo,  P81. 99 ang kada litro ng V power diesel  mula sa P86. 14 noong nakaraang linggo.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Nanatili naman sa P75. 80 ang kada litro ng fuel save gasoline at P77. 79 sa V power gasoline.

Sa Seoil nasa P76. 00 ang kada litro ng kanilang exceed diesel mula sa P80. 15 noong nakaraang linggo habang walang paggalaw sa presyo ng kanilang  Extreme U at Extreme 95 na nasa P73. 55 at  P74. 05

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Ganito rin ang presyuhan sa Ptt gasoline station para naman sa kanilang BlueDiesel, Blue Gasoline 93+ at Blue Gasoline 95+.

Sa phonenix petroleum P77.00 ang kada litro ng diesel mula sa P81. 15 at walang pagalaw sa presyo ng kanilang super unleaded at premium sa P75. 80 at P76. 30.

Pareho rin ang presyo nito sa katapat na Petron Pandan.