PBBM, tiniyak ang suporta sa pamilya ng mga nasawing Filipino sa Yemen

Pinatitiyak ni Pangulong Bongbong Marcos ang buong suporta ng pamahalaan sa pamilya ng mga Filipino seafarers na nasawi at nasugatan sa pinakahuling pag-atake ng Houthi rebels sa bahagi ng Red Sea at Gulf of Eden.

Read More:  Taiwan donates ₱12.2M for Mindanao earthquake recovery

Sa isang pahayag mula sa Presidential Communications Office, kinumpirma ng Department of Migrant Workers ang pagkamatay ng dalawang Filipino seafarers habang dalawa naman ang malubhang nasugatan sa nasabing insidente.

Nagpapatuloy rin ang panawagan ng pamahalaan para sa pagpapatuloy na diplomatic efforts upang mapababa ang tensyon at matugunan ang sanhi ng conflict sa Gitnang Silangan.

Read More:  Sara Duterte defense team says it is ready for impeachment trial

Matatandaan na noong nakaraang Nobyembre, mayroon ring 17 Filipino seafarers na binihag ng Houthi rebels sa parehong lugar.