PBBM, pinawalang bisa ang pagbibigay ng Career Executive Service Rank sa mga nagtapos ng MNSA

Naglabas ng Executive Order ang Palasyo ng Malacanang na bumabawi sa polisiya ng pagbibigay ng Career Executive Service o CES rank sa mga nagtapos ng Master of National Security Administration o MNSA ng National Defense College of the Philippines o NDCP.

Layon ng EO na iayon ang mga pamantayan at mga pamamaraan sa pagbibigay ng CES rank.

Read More:  PNP tightens measures to prevent rebel recruitment

Tinukoy ng EO ang nakasaad sa Konstitusyon na ang appointment sa civil service ay gagawin lamang batay sa merit at kakayahan na matutukoy sa pamamagitan ng competitive examination.

Bago ang pagpapalabas ng kautusan, ang mga nagtapos ng MNSA program ng NDCP na naitalaga sa mga posisyon ng CES ay binibigyan ng CES rank.

Read More:  Stronger legal defense assured for 3 detained Filipino seafarers in Algeria

Pero nitong Pebrero, inirekomenda ng Career Executive Service Board na bawiin ang naturang polisiya.

Binanggit din sa EO na ang pagpasok sa mga posisyon ng CES ay itatakda ng CESB.

Ang CESB rin ang magtatakda ng mga patakaran, pamantayan, at pamamaraan ng pagpili, classification, compensation at career development ng mga myembro ng CES.