AFP, humingi ng tulong sa mga Pilipino na labanan ang disinformation sa WPS sa social media

Nanawagan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga Pilipino na gamitin ang kanilang mga social media upang labanan ang pagkalat ng maling impormasyon kaugnay sa mga isyu ng West Philippine Sea.

Ayon kay AFP Spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla, nilalayon ng AFP na alakasin ang transparency, kontrahin ang disinformation, at pahusayin ang kamalayan ng publiko tungkol sa mga karapatan at interes ng Pilipinas sa rehiyon.

Read More:  Visayas grid to experience Yellow Alert again today

Sinabi ni Padilla na kasama sa Complan Mulat ang transparency initiative ng AFP sa mga news organization.

Nauna nang nagbabala si AFP chief of staff General Romeo Brawner Jr. tungkol sa “united front works” ng China na naglalayong sirain ang value system at hatiin ang mga Pilipino, ngunit hindi pinangalanan ang anumang grupo o indibidwal.

Read More:  Cayetano vows ‘forthwith’ action on VP Sara impeachment

Nauna nang kinumpirma ng National Security Council na ang ilang indibidwal o grupo ay nakikilahok sa pagkalat ng salaysay at impluwensya ng China.