PBBM, pinatututukan ang 40million na mga Pilipino na walang access sa formal water supply

Pinatututukan ni Pangulong Bongbong Marcos sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang 40million na mga Pilipino na walang access sa formal water supply.

Ito ang naging direktiba ng Pangulo matapos ang sectoral meeting sa Palasyo ng Malacañang kaninang umaga.

Ayon pa kay Pangulong Marcos, hindi raw katanggap tanggap na meron pa ring mga Pilipinong walang access sa malinis na tubig hanggang ngayon.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Sa press briefing naman sa Malacañang, ibinahagi ni Dr. Carlos David ang Undersecretary for Integrated Environmental Science ng DENR, na karamihan sa 40million ay naka rely pa rin sa flowing water, creeks, at tubig ulan para sa kanilang inuming tubig.

Karamihan daw sa mga ito ay mula sa bahaging Mindanao, habang ang iba ay mula sa mga maliliit na isla.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Upang tugunan ang naturang suliranin, pinaplano ng DENR na gumamit ng modular desalination system, o pag convert ng tubig dagat para maging malinis na inuming tubig.

Sa ngayon meron anyang 65 island barangay na itinuturing ng DENR na prayoridad para sa kanilang plano.