PBBM, nilinaw na hindi giyera ang balak na pagpapalakas sa militar

Nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi makikipag-giyera kahit kanino ang Pilipinas pero magiging defensive lang ang Armed Forces of the Philippines para ipagtanggol ang bansa laban sa mga bagong banta sa West Philippine Sea.

Ayon sa Pangulo palalakasin ng gobyerno ang puwersa ng AFP sa pamamagitan ng mga bagong kagamitan, training, at iba pa upang madagdagan ang pagiging epektibo nito.

Sinabi ni PBBM na mahalagang mapalakas ang kakayahan ng AFP habang nasa transition ng internal operations patungo sa external defense posture.

Nabawasan na aniya ang panloob na banta kaya dapat ding harapin ang panlabas na mga banta at gumamit ng ibang istratehiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *