Chinese national,  hinihinalang biktima ng pang-aabuso sa ni-raid na POGO Pampanga

Nasagip ng mga otoridad ang isang Chinese national na hinihinalang biktima ang pag-aabuso sa sinalakay na POGO hub sa Porac Pampanga nitong Miyerkules.

Ayon sa mga otoridad maraming sugat at pasa ang biktima.

Maliban dito nakakadena rin ang dayuhan sa bed frame nang makatakas ito at pinilit na magpumiglas para makawala.

Ayon kay PNP spokesperson P/Col. Jean Fajardo, hatalang inabuso ang biktima dahil sa mga sugat at pasang natamo nito at nakita rin siyang duguan nang makatakas.

Paliwanag pa ni Fajardo, naabutan na nagpupulasan at nagmamadaling umalis sa compound ang mga dayuhan bago pa man nila maihain ang search warrant na tila natunugan na nila ang nakaambang operasyon.

Dagdag pa niya, maaaring may leak na nangyari o nabulabog lamang ang mga taong nandoon matapos nilang makakita ng mga pulis sa mismong lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *