PBBM nanawagan sa kongreso na ipasa na ang mga priority bills bago matapos ang taon

Nanawagan si Pangulong Bongbong Marcos sa mga mambabatas ng parehong mababa at mataas na kapulungan na ipasa na ang mga priority bills.

Sa kanyang talumpati sa ceremonial signing ng Negros Island Region at Real Property Valuation and Assessment Reform Act kahapon, ipinahayag ng Pangulo ang kanyang hangaring maisabatas ang mga inclusive, responsive, at people-centered bills bago matapos ang taon.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Anya inaantabayan na ang pagsasabatas ng 17 priority bills na sertipikado ng LEDAC o Legislative-Executive Development Advisory Council.

Sa oras daw kasi na maging batas ang mga panukalang ito, inaasahang magtutulak ito sa pambansang kaunlaran at magpapabuti sa kalagayan ng mga mamamayan.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Ilan sa mga priority bills ay ang Anti-Agricultural Economic Sabotage act, Philippine Maritime Zones act, Anti-Financial Accounts Scamming act, at ang Mandatory Reserve Officers’ Training Corps o ROTC.