PBBM, nakiisa sa pagbbigay pugay at pag-alay ng panalangin sa pagpanaw ni Pope Emeritus Benedict XVI

Nakiisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga pinuno ng relihiyon sa pagbibigay pugay kay Pope Emeritus Benedict XVI at nag-alay ng panalangin para sa dating papa.

Sa tweet ni Marcos, ipinarating niya ang matinding kalungkutan nang malaman ang pagpanaw ni Pope Benedict XVI.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Inihayag ng Holy See Press Office na pumanaw si Pope Benedict XVI noong noong Sabado ng umaga oras sa Vatican sa kanyang tirahan sa Mater Ecclesiae Monastery na pinili niya bilang kanyang tirahan pagkatapos magbitiw sa ministeryo ng Petrine noong taong 2013.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Sa loob ng ilang araw, ang kondisyon ng kalusugan ng Pope Emeritus ay lumala dahil sa kanyang katandaan.//CA