Paghahanda para May 2025 midterm elections, sisimulan na ngayong taon ng Comelec

Sisimulan na ng Commission on Elections ngayong taon ang paghahanda para sa May 2025 midterm elections.

Sa sa isang viber message , sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia , na ang preliminary preparations para sa 2025 elections ay magiging bahagi ng mga plano, programa at proyekto ng poll body ngayong 2023.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Upang simulan ang taon, isasagawa ng Comelec ang special election para sa 7th congressional district ng Cavite sa Fevruray 25 para punan ang puwesto sa House of Representatives na binakante ni Jesus Crispin Remulla, na itinalagang kalihim ng Department of Justice.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Bukod rito, pinaghahandaan na rin ng poll body ang barangay at Sangguniang Kabataan elections na gaganapin sa buwan ng Oktubre.

Sinabi ni Garcia na bukod sa pagdalo sa ilang plebisito na nakapila, paghahandaan din ng Comelec ang budget deliberations at human resource development ng komisyon.//CA