49 anyos na babae mula sa Mercedes Camarines Norte tinamaan ng kwitis sa hita sa pagsalubong sa bagong taon, fireworks related injury sa lalawigan umakyat na sa dalawa

CAMARINES NORTE- Umakyat na sa dalawa ang fireworks related injury sa lalawigan ng Camarines Norte kaugnay sa pagdiriwang ng pasko at pagsalubong sa bagong taon.

Ito ay matapos na matamaan sa kaliwang hita ng kwitis ang isang 49 anyos na babae, sa Barangay San Roque, Mercedes na nangayari alas 12 ng hatinggabi o sa kasagsagan mismo ng putukan sa pagsalubong sa bagong taon.

Pasado ala una ng madaling araw ng Enero 1 nang magpakonsulta ang pasyente sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH).

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ayon sa ulat ng Health Emergency Management Staff (HEMS) ng nabanggit na ospital, nilinisan ang sugat at nabigyan ng oral antibiotic at pain reliever at saka pinauwi sa bahay ang pasyente.

Matatandaan na ang unang kaso ng fireworks related injury sa lalawigan ay isang 13 anyos na lalake mula sa Barangay Gahonon sa bayan ng Daet na nagtamo ng first degree burn sa mukha dahil sa paggamit ng boga.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Nangyari ito noong bisperas ng pasko, Disyembre 24.

Noong nakaraang taon dalawa rin ang naitalang fireworks related injury sa lalawigan na kapwa dahil sa kwitis.

Samantala tatlong new year’s baby naman ang isinilang sa CNPH.

Ang una dito ay ala 1:40 ng madaling araw na sinundan ng alas 3:02 at alas 3: 13 ng madaling araw ng Enero 1.