PBBM, nakatakdang lagdaan ang SIM Card Registration Act ngayong araw

Nakatakdang lagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos ngayong araw, para maging batas ang panukala na nagre-require sa lahat ng SIM card users sa buong bansa na iregister ito sa public telecommunications entities (PTEs).

Ayon sa Office of the Press Secretary (OPS), gagawin ang ceremonial signing ng SIM Card Registration Act sa Malacañang, na dadaluhan ng mga mambabatas at mga opisyal mula sa Presidential Legislative Liaison Office.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Dagdag ng OPS na ang desisyon ni Marcos na aprubahan ang panukala ay magpapalakas sa inisyatibo ng gobyerno laban sa mga scams, na ginagawa sa pamamagitan ng text at online messages, na naging talamak umano ngayong taon.

Matatandaan na noong Abril, vineto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang bersyon ng panukala, dhail naniniwala ito noon na ang proposed measure ay nangangailangan pa ng karagdagang pag-aaral.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Samantala, una nang sinabi mga major telecommunications firms na welcome para sa kanila ang naturnag panukula at nagpahayag ng kahandaan para sa pagpapatupad nito sa oras na maging ganap na batas.