PBBM, nagpasamalat kay Prime Minister Justin Trudeau kaugnay sa suporta nito sa WPS

Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Canadian Prime Minister Justin Trudeau para sa suportang ibinibigay nila sa Pilipinas kaugnay sa West Philippines Sea.

Sinabi rin ng Pangulo na ngayon lamang naging mas malapit ang ugnayan ng Pilipinas at Canada kaya umaasa siya na patuloy pa rin ang suportang matatanggap ng bansa mula rito.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Kung maaalala, kabilang ang Canada sa mga bansang lumahok sa joint air at naval exercises sa West Philippine Sea, kasama ng Pilipinas, Australia at United States.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Samantala, sinabi naman ni Trudeau na ang ugnayan ng dalawang bansa ay naka pokus sa pag papaigting ng seguridad at kaligtasan sa mga pangisdaan at military concerns dito.