Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa publiko na mag-ingat sa mga nag-aalok ng trabaho sa golden-triangle sa isang rehiyon na sumasakop sa Myanmar, Vietnam, at Lao.
Ito ay kasunod ng kaliwa’t-kanang pagsasara ng mga POGO sa bansa na nagiging dahilan ng paghahanap ng agarang trabaho ng ilang POGO workers.
Dagdag pa ng ahensya, baka sa halip na trabaho ay scam farms pala ang nag-iintay sa kanila sa ibang bansa na maaring magdulot ng kapahamakan sa kanilang buhay.
Samantala, nakikipag-ugnayan na ang DOLE sa Internet Gaming Licensee (IGL) para matulungan ang halos 30,000 mga empleyado na apektado ng POGO Ban.