BI, iniimbestigahan na ang iniulat na illegal scamming hubs

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Bureau of Immigration sa mga ulat na ilang residential building umano sa bansa ang ginagamit bilang hubs ng mga biktima ng human trafficking.

Inilabas ni Commissioner Norman Tansingco ang pahayag matapos ibunyag ni Senator Risa Hontiveros na mayroong malalaking condominium building sa Pilipinas ang ginagamit bilang living at working facilities kung saan ay pinipilit ang mga trafficked victims para mangloko.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Inirekomenda na rin ni Tansingco sa magiging pulong ng Inter-Agency Council Against Trafficking na ang bawat ahensya ng gobyerno ay may partikular na papel sa paghawak ng mga trafficking case

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Patuloy din aniyang paiigtingin ng BI ang kanilang kampanya laban sa human trafficking sa kabila ng mga nakukuhang negatibong kumento sa social media.//CA