PBBM, naglatag na ng order sa AFP para paghandaan ang seguridad ng Pilipinas

Pinaghahanda ni Pangulong Bongbong Marcos ang Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa iba’t ibang mga bantang posibleng mangyari sa rehiyon.

Sa oath-taking ng mga newly-promoted AFP generals and flag officers sa Malacañang – sinabi ng Pangulo na dapat ay maging ‘ready’ ang ating kasundaluhan para sa iba’t ibang mga ’emerging issues’ na hahamon sa ating bansa.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Aniya, dapat daw ay masigurong ‘capable’ ang AFP para sa pagse-seguro at pagdepensa sa ating bansa mula sa iba’t ibang mga uri ng banta.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Bagamat ‘di derektang tinukoy ng Pangulo kung anu-anong mga banta ito – ginawa niya ang pahayag sa gitna ng tumitinding tensyon sa West Philippine Sea matapos ang pagbangga ng China sa resupply mission ng Pilipinas.