Iba’t ibang mga terminal sa bansa, dinagsa ng mga biyahero dahil sa pararating na long weekend

Nagdagsaan na sa iba’t ibang mga terminal, paliparan, at sea ports ang ating mga KaBrigadang magsisi-uwian ng kani-kanilang mga probinsiya para sa long weekend.

Ito ay para makaboto sa barangay at Sangguniang Kabataan Elections, pati na rin sa nalalapit na Undas.

Sa huling tala ng Philippine Coast Guard – naka-monitor na sila ng 48,549 na mga outbound; at 42,641 na mga inbound passengers sa lahat ng mga ports sa buong bansa.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Sa Batangas Port – mahigpit na rin ang seguridad ng PCG-Southern Tagalog para sa mga uuwi sa Southern Luzon, kabilang na sa MIMAROPA.

Samantala, fully-booked na rin ang ilang mga biyahe sa Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX.

Nananatili namang mahigpit ang pagbabantay sa terminal, at nagsagawa na rin ng drug testing at alcohol testing para sa mga drayber ng mga bus doon.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Sa Cubao Terminal sa Quezon City – bago pa man mag-uwian ngayong hapon ay dumagsa na ang mga pasahero para sa mga ba-biyahe papunta sa Northern Luzon.

Hanggang ngayong gabi naman ay inaasahang darami’t hahaba pa ang pila rito.

Sa Ninoy Aquino International Airport – inaasahang papalo sa 120,000 hanggang 130,000 ang mga pasahero kada araw, hanggang sa araw na ng Linggo.

Nanatili naman sa 87% din daw ang naging on time performance ng mga airlines.