PBBM, may mga bagay pang nais makamit bago umalis sa kaniyang posisyon bilang DA Chief

May ilang bagay pa umanong nais makamit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bago umalis sa kaniyang posisyon bilang hepe ng Department of Agriculture.

Sa panayam, hindi idinetalye ni Marcos kung ano ang kanyang mga layunin, gayunpaman, sinabi niyang mayroon siyang timetable para dito.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Nang tanungin kung ilang personalidad ang kaniyang isinasaalang-alang para  mamuno sa DA, sinabi ni Marcos na patuloy na nagbabago ang listahan nito.

Nauna rito, sinabi ng Pangulo na aalis lamang siya sa kaniyang puwesto bilang DA Chief kapag nagawa na ang mga pagbabago sa istruktura sa departamento.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Binigyang-diin niya na ang mga problema sa loob ng DA ay napakahirap at kailangan ng isang pangulo para baguhin at ibalik ito.

Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na seryosong isinasaalang-alang ng Pangulo ang ilang indibidwal na itatalaga bilang Kalihim ng DA.//CA