Anim na rehiyon sa bansa, apektado ng ASF-BAI

Anim na rehiyon sa bansa ang kasalukuyang apektado ng African Swine Fever (ASF) ayon sa Bureau of Animal Industry.

Ayon kay Dr. Samuel Joseph Castro ang National Deputy Director ng National ASF Prevention and Control program, ang mga lugar na may aktibong kaso ng ASF ay ang regions I, III, IV-A, VI, VIII, at XII.

Read More:  China urges DFA to act responsibly; President Marcos seeks clarification from ambassador

Ayon kay Castro, sinisikap nilang maipa-abot hanggang sa barangay ang mga programa para labanan ang ASF.

Sinabi naman ni  Lani Plata Serna, supervising science research specialist  ng BAI, na sa hogs supply outlook ng DA hanggang October 20, 2022 , magkakaroon ng kakulangan sa karne ng baboy sa kasalukuyang quarter ng taon.

Read More:  Remulla confirms Atong Ang has left Philippines

Sinabi niya na ang bansa ay mayroon na ngayong 95 percent sufficiency level ng supply ng baboy, na mas mababa kaysa sa ikatlong quarter ng taon.//CA