Sinisikap ngayon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na mapigilan ang agarang pagtaas ng presyo ng kuryente kasunod ng desisyon ng Court of Appeals na pansamantalang suspendihin ang kasunduan sa power supply agreement sa pagitan ng subsidiary ng San Miguel Corp. na South Premier Power Corp. o SPPC at ang Manila Electric Company o Meralco.
Inaasahan din ni Marcos na muling isasaalang-alang ng CA ang aksyon nito sa usapin at binanggit na ang temporary restraining order laban sa PSA ay magkakaroon ng “extremely deleterious effect” sa singil sa kuryente.
Ang TRO ay inilabas ng CA 14th Division noong November 24 kasunod ng petisyon na inihain ng subsidiary ng San Miguel Corp.

Nag-ugat ang petisyon sa desisyon ng Energy Regulatory Commission o ERC noong September 29 na tanggihan ang mga pakiusap ng SPPC, San Miguel Energy Corp., at Meralco na taasan ang generation charge sa kuryente.//CA