PBBM: magdadala ng ‘sustainable trade and investment’ ang ASEAN-EU business summit

Nagsalita si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa harap ng Heads of State at Government mula sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at European Union (EU) sa ginanap na 10th ASEAN-EU Business Summit sa Brussels Belgium.

Sa kanyang closing keynote speech inihayag ng Pangulo ang kahalagahan ng pagtutulungan ng gobyerno at pribadong sektor lalo na ngayon na ang ASEAN Member States ay nasa post-pandemic economic recovery at nahaharap sa mga bagong hamon na dulot ng kamakailang geopolitical tensions.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Naniniwala naman si Marcos na ang ASEAN-EU business summit ay magdadala mas mabilis na sustainable trade at investment para sa fast-track the implementation ng European Union’s Indo-Pacific Strategy.

Nagpasalamat din si Marcos sa ASEAN-EU Business Council para sa patuloy na suporta at pakikipag-ugnayan nito sa ASEAN, mula sa mga sectoral bodies hangang sa Leaders forum.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Nabatid na ang Pilipinas ay tumatayong country coordinator para sa ASEAN-EU Dialogue Relations mula 2021 hanggang 2024, at may pananagutan sa pagsusulong ng mga interes ng ASEAN kasama ng mga Dialogue at Strategic Partner nito habang pinapahusay ang mga relasyon batay sa paggalang at pagkakapantay-pantay ng bawat isa.