Nagbigay ng direktiba si Pangulong Bongbong Marcos sa Maritime Industry Authority o MARINA, na i-standardize ang maritime sector ng bansa, para makasabay sa international standard.
Sa pulong sa Palasyo ng Malacañang, iprinisenta ni MARINA Administrator Sonia Malaluan ang kanilang Maritime Industry Development Plan o MIDP 2028, kung saan napuna ng Pangulo na marami sa mga patakaran at operasyon ng maritime industry ay obsolete na dahil sa kakulangan ng unified system.
Binigyang diin ng Pangulo na ang unang hakbang sa pagpapatupad ng mga reporma sa nasabing industriya ay ang pag standardize ng mga operasyon.
Mahalaga anyang makasabay muna ang Pilipinas sa international counterparts bago maipatupad ang programang laman ng MIDP 2028.