Hotel sa Switzerland, pinipilahan ng mga guests, kahit walang bubong at pader

Sinong mag-aakala na may isang hotel na matatagpuan sa Switzerland na laging fully booked at mayroong 6,500 room reservation sa waiting list kahit wala itong bubong at pader?

Ayon sa ideya ng kambal na Swiss concept artists na sina Frank Riklin at Patrick Riklin, ang Zero Star Hotel ay isang “Art installation”.

Masisilayan sa lugar ang magandang view, may kumportableng higaan, magandang beddings, foods, drinks, at may butler service pa.

Ang pinagkaiba nito sa ibang hotel ay wala itong bubong kaya naman “sleep under the star” at sadyang “sleepless nightang bentahe nito.

Wala ring pader na nakaharang kaya naman tanaw na tanaw ang ganda ng hills and mountains sa paligid.

Dagdag pa rito, ang isang kuwarto ay nasa tabi ng isang gasoline station para maging aware ang customers sa patuloy na pagtaas ng gasoline sa world market.

Ang isa pang kuwarto sa gitna ng ubasan ay sumisimbolo naman sa climate change.

Aniya, ang layunin nito ay ang makapag-isip at mamulat ang mga guests sa social issues at problema ng daigdig habang sila’y nakahiga sa kama.

Nagkakahalagang 325 Swiss Franc o katumbas ng mahigit sa Php 18,000.00 ang renta kada gabi sa nasabing hotel.### BERLYN VILLACRUZ, Intern