PBBM, iba pang leaders – may mensahe sa pag-drop ni Biden sa US presidential race

Nagbigay na ng tribute ang mga lider mula sa iba’t ibang bansa para kay US President Joe Biden.

Ito ay kasunod ng kaniyang anunsyong tuluyang pag-drop sa US presidential race.

Sa isang social media post, tinawa ni Pangulong Bongbong Marcos na ‘demonstration of genuine statesmanship’ ang ginawang hakbang ni Biden.

Pinasalamatan niya rin ito para sa patuloy na pagsuporta sa Pilipinas para sa umano’y mga ‘difficult time’.

Read More:  Robin Padilla denies ‘helping Bato escape’ after Senate CCTV release

Kinilala rin ni Ukrainian leader Volodymyr Zelensky si Biden para sa kanyang ginawang mga ‘bold steps’ sa pagsuporta sa kanyang bansa.

Kinilala rin ni Polish Prime Minister Donald Tusk ang US presidente para sa maraming mahihirap na desisyong ginawa nito para sa mas ligtas na mundo.

Sinabi naman ni UK Prime Minister Keir Starme na nirerespeto niya ang pag-drop ni Biden sa presidential race, at umaasa siyang makakatulong pa rin ito habang pinagpapatuloy ang kanyang termino bilang presidente ng Amerika.

Read More:  DOH closely monitoring Ebola virus situation

Ilang pa sa mga nagpahayag ng kanilang mensahe para kay Biden ay sina German Chancellor Olaf Scholz, Defense Minister ng Israel na si Yoav Gallant, Canadian Prime Minister Justin Trudeau, Australian Prime Minister Anthony Albanese, at Former president Barack Obama.

Sa isang X post, sinabi ni Joe Biden na napagdesisyonan niyang hindi tanggapin ang nominasyon para makapag-focus sa sa tungkulin ng iang presidente.

Nais niya rin daw ngayong suportahan at i-endorse si VP Kamala Harris para maging nominee ng kanilang partido.